Read more
'INIWAN MO 'KO HABANG NATUTULOG AKO...' 😢
'Yan ang saad ni Clyde Vivas sa kanyang post sa Instagram patungkol sa hiwalayan nila ng dating 'Miss Q&A' contestant na si Lars Pacheco.
"Nakakalungkot lang na iniwan mo 'ko habang natutulog ako at nag-iwan ka ng mahabang mensahe para sa akin. Sana kinausap mo muna ako para alam ko lahat ng gagawin. Pero gano'n siguro talaga, nawalan ka na din ng pagmamahal sa akin, nagsawa ka na...
Nu'ng bago mo 'ko iwan, ramdam na ramdam ko 'yung yakap mo na mahigpit sa akin. 'Yun na pala 'yung huli ko na mararamdaman sa 'yo. Sobrang sakit. Pero alam ko sa sarili ko kakayanin ko. Sana mabasa mo 'to. Mag-iingat ka palagi, 'wag mo kalimutan magdasal. Mahal na mahal kita. Paalam."




0 Reviews